Paano mag-rehistro bilang Sole Proprietorship
STEP 1
I-rehistro ang pangalan ng inyong negosyo sa Department of Trade and Industry (DTI) para makuha ang DTI Certificate of Registration.
STEP 2
Magrehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para makuha ang Certificate of Registration.
STEP 3
Magrehistro sa barangay office kung saan nakabase ang inyong negosyo para makuha ang Barangay Certificate of Business Registration at magparehistro din sa Mayor’s office para makuha ang Mayor’s Permit.
Paano mag-rehistro sa DTI?
1. Listahan ng tatlong proposed business names (ilista ang pangalan ayon sa prayoridad)
2. Address ng Negosyo
3. Business Activities o mga aktibidad ng iyong negosyo
4. Teritoryal na Lawak ng Negosyo (kung barangay, lungsod, rehiyonal o nasyonal)
5. Buong Pangalan ng May-ari ng Negosyo
6. Address ng May-ari ng Negosyo
7. Birthday ng May-ari ng Negosyo
8. Citizenship ng May-ari ng Negosyo
9. TIN ng May-ari ng Negosyo
- Barangay - P200.00
- City / Municipalidad - P500.00
- Regional - P1,000.00
- National - P2,000.00
1. Ihanda ang iyong business name. Maghanda ng tatlong pangalan para sa inyong negosyo at ilista ito ayon sa prayoridad.
2. Kumpirmahin ang availability ng iyong business name. Maaari niyo itsek sa website ng DTI para makita kung available at hindi pa nagagamit ng iba ang napili ay nalista niyong pangalan: https://bnrs.dti.gov.ph/search.
3. Sagutan ang online registration form. Kung ang napili mong business name ay available, pwede niyo na irehistro ang inyong negosyo online. Pumunta sa link na ito: https://bnrs.dti.gov.ph/registration/create.
Maaari din kayo pumunta sa pinakamalapit na opisina ng DTI. Maaari niyong i-check sa link na ito ang mga lokasyon ng DTI branches: https://www.dti.gov.ph/contact.
4. Bayaran ang registration fee. Matapos masagutan ang online registration form, sundan ang mga instruksyon at bayaran ang registration fee sa loob ng pitong araw mula sa araw kung kailan ka nag rehistro o nag-apply. Maaari kayo magbayad sa pamamagitan ng GCash, PayMaya o Credit/Debit card.
5. I-download ang iyong certificate. Nairehistro ang inyong business name kapag nakumpirma na ang inyong bayad. Matapos ang kumpirmasyon ng iyong pagbayad. Pumunta sa link na ito: https://bnrs.dti.gov.ph/inquiry.
Pindutin ang Transaction Inquiry at i-accept ang Terms and Conditions. Ilagay ang reference code na ibinigay pagkatapos niyo sagutan ang registration form.
Paano mag-rehistro sa BIR?
Para sa BIR Certificate of Registration
1. Application Form – BIR Form 1901
2. Payment Form – BIR Form 0605
3. Barangay Business Clearance
4. DTI Certification
5. BIR Printed Receipt/Invoice o final at malinaw na kopya ng OWN Principal Receipts
6. Invoice
7. Documentary Stamps Tax on Lease (para sa mga rumerenta ng pwesto) – BIR Form 2000
8. Para mga rumerenta ng pwesto, Contract of Lease o Certificate of Occupancy. Kung ikaw ang may-ari ng lugar, Land Title/Tax Declaration
9. Mayor’s Permit o Duly Received Application for Mayor’s Permit kung sinusuri pa ang inyong aplikasyon sa inyong local government unit (LGU)
10. Nasagutan na Tax Type Questionnaire
Para sa Books of Accounts:
1. BIR Certificate of Registration (BIR Form 2303)
2. New sets of books of accounts, tulad ng pero hindi limitado sa:
- General Journal
- General Ledger
- Cash ReceiptCash Disbursement
- Subsidiary Sales Journal
- Subsidiary Purchase Journal
- Registration Fee: P530.00 (Standard)
- Documentary Stamp Tax o Proof of Payment of Annual Registration: P30.00
- Pag-print ng mga resibo o receipts: P5,000-6,000 (estimate)
1. Sagutan ang BIR Form 1901. Kailangan ng 3 kopya nito. I-download ang form dito: https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/taxpayers_service_programs_and_monitoring_1/1901%20Jan%202018%20ENCS%20V4_03.04.2019.pdf
2. Magpunta sa Revenue District Office (RDO) sa inyong lugar. Pumunta sa RDO na nasasakupang lokasyon kung saan nakatayo ang iyong negosyo.
Maaari mong itsek ang lokasyon ng RDO sa inyong lugar dito: https://www.bir.gov.ph/index.php/contact-us/directory/regional-district-offices.html.
3. Bayaran ang registration fee. Ang registration fee ay Php 500 at Php 30 para sa loose Documentary Stamp Tax (DST) o Proof of Payment of Annual Registration (ARF). Maaari kang magbayad nito sa mga akreditadong bangko ng BIR. Ang mga akreditadong bangko ay mayroong BIR payment form. Isumite ito sa bangko kasama ang Documentary Stamp Tax on Lease.
Makikita ang listahan ng mga akreditadong bangko para bayaran ang inyong BIR payment form sa: https://www.bir.gov.ph/index.php/list-of-authorized-agent-banks.html.
Matapos bayaran, isumite sa inyong RDO ang photocopy ng BIR form payment at DST at ARF forms.
4. Kunin ang iyong BIR Certificate of Registration (COR) o BIR Form 2303 matapos maisumite ang mga requirements mula sa step 1-4. Isang opisyal mula sa BIR ay paaalalahanan ka kung kailan mo maaaring kunin ang iyong BIR COR o BIR Form 2303.
May ilang mga RDO na kailangan niyo pa dumalo sa seminar tungkol sa pag-file ng iyong tax bago makuha ang iyong COR. Sa pagkuha ng COR, siguruhing makakatanggap ka ng “Ask for Receipt” na may lagda.
Pag naibigay na ang iyong BIR COR, mayroon kang tatlumpung (30) araw na palugit para ma-print ang mga opisyal na resibo at sales invoices.
5. Bilhin at magrehistro ng iyong Books of Account. Ang book of account ay kung saan mo itatago o itatala ang mga orihinal na rekord ng iyong mga transaksyon sa iyong negosyo.
May tatlong uri ng books of account:
Manual Books of Account – ito ay ang mga journal, ledgers o columnar na libro kung saan mano-mano mong isusulat ang mga transaksyon sa iyong negosyo.
Loose-leaf Books of Account – ito ay ang mga journal, ledgers o columnar na libro na pini-print sa halip na mano-manong isulat.
Computerized Books of Account – ito ay isang computerized system ng bookkeeping na madalas ginagamit para sa mga negosyong may mas malalaking transaksyon.
Magrehistro ng iyong books of account sa pamamagitan ng pagsagot ng BIR Form 1905 kasama ng books of account na nakuha sa RDO na iyong pinagrehistrohan.
I-download ang BIR Form 1905 dito: https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/taxpayers_service_programs_and_monitoring_1/1905%20January%202018%20ENCS%20final.pdf.
6. Siguruhing magkaroon ng Authority to Print (ATP). Requirement ng BIR sa mga negosyo na magkaroon ng ATP receipts (para sa mga negosyong nagbibigay serbisyo) o commercial invoices (para sa mga negosyong nagbebenta ng kalakal/goods).
Magsagot ng tatlong kopya ng BIR Form 1906 sa RDO kasama ng iyong sampol na principal o supplementary invoices at ng kopya ng iyong COR. Nasa humigit kumulang isang linggo ang bibilangin bago mo makuha ang iyong ATP.
Kapag nakuha mo na ang iyong ATP, isumite ito sa akreditadong BIR printer. Alamin ang mga akreditadong BIR printer dito: https://www.bir.gov.ph/images/bir_files/taxpayers_service_programs_and_monitoring_2/Printers/june%202020%20accredited%20printers.pdf.
Aabutin ng halos 2 linggo para makuha ang inyong official invoices.
7. Siguruhin magkaroon ng Ask for Receipt (ARN). Ito ay ibibigay kasama ng BIR Certificate of Registration/BIR Form 2303.
Ang ARN at BIR Form 2303 ay parehong kailangan nakalagay sa pwesto ng iyong negosyo.
Paano mag-rehistro sa Barangay at Mayor’s Office?
1. Nasagutan na Application Form for New Business (3 kopya at napa-notaryo na)
2. Orihinal na Barangay Business Clearance (barangay kung saan nakabase ang negosyo. Ipakita ang inyong DTI registration)
3. Zoning Clearance (ipakita ang inyong DTI Certificate kasama ang Lease Agreement kung nirerentahan ang pwesto ng negosyo o address ng owner kung kayo ang may-ari ng pwesto, sa City Engineer’s Office)
4. DTI Registration
5. Real Property Tax (makukuha ito sa City Assessor at Treasurer’s Office)
6. 3R size (3.5 x 5 inches) picture na pinapakita ang kanan o kaliwang view ng negosyo na kita ang property line, office space, at sign board ng negosyo
7. Listahan ng mga empleyado at ng kanilang address
8. Lessor’s Permit o Lease Agreement (kung nirerentahan ang lugar ng negosyo)
9. Tax Declaration of Property (kung pagma-may-ari ang lugar ng negosyo)
10. Public Liability Insurance (makukuha sa isang insurance provider na maaaring i-refer ng Mayor’s Office)
11. Official Receipt ng Insurance Policy
12. Special Power of Attorney (SPA) for Authorized Representatives na may kasamang ID
13. Health Card (kailangan na inisyu sa inyong lugar at para sa negosyo na nasa metropolitan city lamang)
14. Police Clearance
15. Cedula
16. 1 Government Issued ID
17. Dalawang 1×1 na picture
18. Official Receipt ng Mayor’s Permit
Note: Maaaring may dagdag o ibang requirements ang kailangan sa inyong lokal na gobyerno o LGU.
- Application Fee: P235.00
- Miscellaneous Fee: P115.00
1. Dalhin ang mga requirement at pumunta sa inyong City Hall.
2. Susuriin at ipoproseso ang inyong Barangay Certificate sa loob ng isang araw at 2-3 linggo para sa Mayor’s Permit.
Note: Maaaring iba ang proseso sa inyong lokal na gobyerno o LGU. Pwede magkonsulta sa PearlPay team tungkol dito.